Pumapatak na naman ang ulan sa bubong ng bahay, Di maiwasang gumawa ng di inaasahang bagay, Laklak ng laklak ng beer magdamagan May kahirapan at di maiwasan Mabuti pa kayang matulog ka na lang At baka sumakit ang tiyan
Ang araw ko’y nabubusisi Ako ang nasisisi Bakit ba sila ganyan, Ang pera ko ay di magkasya Hindi makapagsine at ayaw naman dagdagan Ubos na rin ang beer, kaya kape na lang Lahat sinusubukan kahit walang pulutan Ang buhay ng tamad Walang hinaharap ni konting Sarap man lang
Radyo, tv at mga lumang komiks Wala ng ibang mapaglibangan, At kung meron kang tatawagan Trenta sentimos ika’y makakaltasan Aha…
Umiindak ang paa sa kumpas na tugtuging bago Hanggang kumpas ka nalang at di mo na alam ang tono Sa paghinto ng ulan ano ang gagawain Huwag ng isipin at walang babaguhin Mabuti pa kaya matulog ka nalang Matulog na ng mahimbing