Ayon sa kasulatan, ayon sa mga nakaraan Ayon sa mga nangyayari noon at sa nangyayari ngayon Tayong mga Pilipino raw ay may ugaling magnanakaw Mula pa no'ng unang panahon hanggang sa kasalukuyan
Ito kaya'y totoo, ito kaya'y nangyayari Ito kaya'y nangyayari noon, nangyayari din kaya ngayon Ito kaya'y dahil na rin sa ating katamaran Hindi tapat sa gawain at sa iba'y nakikinabang
Tingnan mo ang iyong sarili, suriin mo ang iyong ginagawa Ikaw ba'y isang magnanakaw at taong mapagsamantala Hindi nagpapapawis, hindi lumuluha Ginagamit ang galing sa hindi tamang gawa
CHORUS Ang magnanakaw ay mapagsamantala Magaling magkunwari, madaling makilala Balat-kayong ginagamit kahit hindi sa pirata Magnanakaw pa rin ang nakikita sa kanya
May nagnanakaw ng oras, talino at pawis Pati ang galing kung minsa'y ninanakaw rin Ano kaya ang dapat gawin ngayong alam na natin Dahil na rin ba sa katamaran, hahayaan na lang ba natin
Tingnan mo ang iyong sarili, suriin mo ang 'yong ginagawa Ikaw ba'y isang magnanakaw at taong mapagsamantala Hindi nagpapapawis, hindi lumuluha Magnanakaw ng oras, galing at pawis ng iba