Wala ka bang napapansin Sa iyong mga kapaligiran Kay dumi na ng hangin Pati na ang mga ilog natin
Hindi nga masama ang pag-unlad At malayu-layo na rin ang ating narating Ngunit masdan mo ang tubig sa dagat Dati'y kulay asul, ngayo'y naging itim
Ang mga duming ating ikinalat sa hangin Sa langit, 'wag na nating paabutin Upang kung tayo'y pumanaw man Sariwang hangin, sa langit natin matitikman
Mayro'n lang akong hinihiling Sa aking pagpanaw, sana ay tag-ulan Gitara ko ay aking dadalhin Upang sa ulap na lang tayo magkantahan
Ang mga batang ngayon lang isinilang May hangin pa kayang matitikman May mga puno pa kaya silang aakyatin May mga ilog pa kayang lalanguyan
Bakit 'di natin pag-isipan Ang nangyayari sa ating kapaligaran Hindi nga masama ang pag-unlad Kung hindi nakakasira ng kalikasan
Darating ang panahon, mga ibong gala Ay wala nang madadapuan Masdan mo ang mga punong dati ay kay tatag Ngayon'y namamatay dahil sa ating kalokohan
Lahat ng bagay na narito sa lupa Biyayang galing sa Diyos kahit no'ng ika'y wala pa Ingatan natin at 'wag nang sirain pa 'Pagkat 'pag Kanyang binawi, tayo'y mawawala na