Simbang gabi nanaman Tayo gising na, patulog pa lang ang buwan Ang simoy ng hangin
Dahan-dahang na humahaplos Sa mukha ng bawat tao Bumabagsak-bagsak pa ang mata
Dahan-dahang kumislap Ang mga ilaw ng tumatandang simbahan Kung san magkasama tayong nagdasal At nakinig sa Misa de Gallo Pagdating ng Ama Namin, ang oras huminto
Nang magkahawak ang ating mga kamay Umawit mga ulap at sabay Nagsiawit ang mga anghel sa langit At nang unang gabi ng pasko'y sumapit Kay ganda ng harana ng tinig Na sumasabay sa ihip ng hangin Ang sabi nila Ang sabi nila
Pagkatapos magsimba Habang hinahatid kita sa iyong tahanan Parang walang katapusan ang ating kwentuhan Tungkol sa mga buhay ng isa't isa, ako'y nahalina
Nang mapadaan tayo dun sa may tindahan Umawit mga ulap at sabay Nagsiawit ang mga anghel sa langit At nang unang gabi ng pasko'y sumapit Kay ganda ng harana ng tinig Na sumasabay sa ihip ng hangin Ang sabi nila Ang sabi nila
Natapos din ang siyam na araw ng simbang gabi Ang sabi ko sa sarili, baka ito na ang huli Pero mula nung unang Ama Namin Na ang iyong kamay ay hinawakan Di mo na binitawan
Nagsiawit ang mga anghel sa langit At nang unang gabi ng pasko'y sumapit Kay ganda ng harana ng tinig Na sumasabay sa ihip ng hangin Ang sabi nila Ang sabi nila Oh ang sabi nila
Ang sabi nila Bilhan mo na siya ng bibingka Dahil ikaw na ang aking tadhana Bilhan mo na siya ng bibingka Dahil ikaw na ang aking tadhana