Sabik nang mahalikan Mayakap ka′t masayaw sa ulan Ang mundo'y gagaan
Mundo ko′y gagaan
Maligaw man ng landas ay Hahanapin ang kalsada Patungo sa 'yo Ikaw ang daan
Dumilim man ang paligid Ay ikaw pa rin ang ilaw ko Oh, oh, oh, oh, oh Oh, oh, oh, oh
Bakit uhaw sa 'yong sayaw? Bakit ikaw? ′Di bibitaw, sa ′yong sa 'yo Laging ikaw Ako′y giniginaw, halika rito Dito ka lang sa tabi ko Mananatiling uhaw, uhaw, uhaw
Hindi na mapakali Puso'y nagmamadaling Lambingin at suyuin ka Oh, aking giliw, ako′y iyo
Kahit pa matalisod, mapagod At bumigay ang tuhod 'Di ako hihinto Ikaw aking dulo
Mawala man ang anino ko Nandito ka, oh, ilaw ko Oh, oh, oh, oh, oh Oh, oh, oh, oh
Bakit uhaw sa ′yong sayaw? Bakit ikaw? (Bakit ikaw?) 'Di bibitaw, sa 'yong sa ′yo Laging ikaw Ako′y giniginaw, halika rito Dito ka lang sa tabi ko Mananatiling uhaw, uhaw, uhaw
Nauuhaw, naliligaw, nanliligaw, humihiyaw Nalulunod sa kada taludtod ng pagkatao mo Nakakatulalang tula, bawat bigkas ng labi mo Nauuhaw, sumisigaw
Bakit uhaw sa 'yong sayaw? Bakit ikaw? ′Di bibitaw, sa 'yong sa ′yo Laging ikaw Ako'y giniginaw, halika rito Dito ka lang sa tabi ko Mananatiling uhaw, uhaw, uhaw