Pumunta ako sa tindahan ni aling nena Para bumili ng suka Pagbayad ko aking nakita Isang dalagang nakadungaw sa bintana Natulala ako laglag ang puso ko Nalaglag din ang sukang hawak ko
Napasigaw si Aling Nena Ako naman ay parang nakuryenteng pusa Ngunit natanggal ang hiya nang nakita ko na Nakatawa ang dalaga
Panay ang “sorry ho” Sa pagmamadali nakalimutan pa ang sukli ko Pagdating sa bahay nagalit si nanay Pero oks lang ako ay inlababo ng tunay
[chorus] Tindahan ni Aling Nena Parang isang kwentong pampelikula Mura na at sari-sari pa ang itinitinda Pero ang tanging nais ko ay ‘di nabibili ng pera
Pumunta ako sa tindahan kinabukasan Para makipagkilala Ngunit ang sabi ni Aling Nena Habang maaga’y huwag na raw akong umasa Anak niya’y aalis papuntang Canada Tatlong araw na lang ay ba-bye na.
[repeat chorus] Hindi mapigil ang damdamin Ako’y nagmakaawang ipakilala Payag daw siya kung araw-araw Ay meron akong binibili sa tinda niya
Ako’y pumayag at pinakilala niya Sa kanyang kaisa-isang dalaga Ngunit nang makilala siya’y tumalikod na At iniwan akong nakatanga
[repeat chorus]
[chorus 2] Tindahan ni Aling Nena Dito nauubos ang aking pera Araw-araw ay naghihintay O Aling Nena,please naman maawa ka-ahh Alam nyo’ng nangyari? Wala–ahh wala–ahh oh diyos ko! Wala–ahh wala–ahh