Noong araw ikaw ay pugad ng mga Taga-ibang bansang sundalo Bumaha ang salapi kasama Ang lahat ng uri ng bisyo Nguni't ang lahat nang iyan ay nawala Sa pagsabog ng bulkan, nasalanta Nasaan ka na
Kamusta ka Pampanga Kamusta ka Pampanga Kamusta ka ngayon, bayan ko May pag-asa ba Kamusta ka Pampanga
Tinabunan ka ng putik at bato Subali't di ka nagpatalo Bawat kahirapa'y may dalang lakas Ito'y nakita ko sa iyo Bagong buhay ay umuusbong muli Magmula sa matibay na pananalangi't pagpupunyagi
Kamusta ka Pampanga Kamusta ka Pampanga Kamusta ka ngayon, bayan ko May pag-asa na Kamusta ka Pampanga
Sa bawat sandali bumabalik ang iyong ngiti And dating di makatayo'y naglalakad muli Ikaw ay himala sa panahon ng tag-hirap Ako ay humahanga sa iyong lakas at pagsisikap
Kamusta ka Pampanga Kamusta ka Pampanga Kamusta ka ngayon, bayan ko May pag-asa na Kamusta ka Pampanga
Kamusta ka Pampanga Kamusta ka ngayon, bayan ko May pag-asa na Kamusta ka... (Misasan metung tamu) (Nanuman ing malyari)