musikero sa buhay na mabilis sa pamamagitan ng gitara ang buhay pinatatamis sa dami ng pangako ng iba't ibang tao salapi at trabaho isa lang ang aking iniibig na ang boses at mga awitin ko'y inyong marinig
musikero sa buhay na masikip sa pamamagitan ng awitin lumalaya ang aking isip sa langit na makulay maluwang, malumanay at walang nakahanay isa lang ang aking nakikita na tulad ng ulap ang tao'y sinilang ng malaya
mahirap mang aminin ito lang ang kaya kong maging hindi ako ganun kabait upang magpari kailangan din naman ng kaunting pag-aari ngunit kailanman ay hinfi ko pinangarap ang maging hari
musikero sa nagbabagong mundo sa pamamagitan ng tunog mga ligaw na puso ay sinusundo sa dami ng nahihilo sa gulo ng tsubibo ng mundong nagbabago isa lang ang sa 'ki'y maliwanag na sa dulo ng araw ay may awit na tumatawag
mahirap mang aminin ito lang ang kaya kong maging hindi ako ganun kabait upang magpari kailangan din naman ng kaunting pag-aari ngunit kailanman ay hinfi ko pinangarap ang maging hari
musikero sa buhay na mabilis sa pamamagitan ng awitin mga buhay pinatatamis sa dami ng nahihilo sa gulo ng tsubibo ng mundong nagbabago isa lang ang sa 'ki'y maliwanag na sa dulo ng araw ay may awit na tumatawag