Ba’t kaya walang nangyari sa atin Di ba’t ang pag-ibig natin ay parang kwentong bitin Kay ganda ng simula tulad ng isang dula Ba't naiwan ang puso kong tulala
Ba’t kaya walang nangyari sa atin Di ba’t may naramdaman ka rin sa 'ting unang tingin Iba man ang mundo mo, iba man ang mundo ko Sandaling nagsama ang ating puso
CHORUS: Tuwing umuulan sa loob ng puso ko Ginagamit kong payong ang alaala mo Tuwing umuulan sa loob ng isipan Ginagamit kong silong ang ating nakaraan At kahit wala ka na Kay linaw pa ng ‘yong mukha Kaya’t di na ko nababasa kapag umuulan ng luha
Ano nang mga nangyari sa iyo Sana ang iyong pagkatao’y di pa nagbabago Alam kong ang tao ay nagbabago sa pagtanda Ngunit bata pa sana ang 'yong kaluluwa
Meron pa kayang mangyayari sa 'tin Kay hirap muli umasa kung umaasa ka rin Bumaha ma’t bumagyo ika nga ni Santiago Ay hindi magbabago ang puso ko
[Repeat CHORUS]
[Repeat CHORUS again except last line]
Kaya’t di na ko nababasa kapag umuulan Kapag umuulan Kaya’t di na ko nababasa kapag umuulan ng luha