‘Di malaman kung ano ang gagawin Sa damdamin na ‘di ko maamin Sa sarili Kung bakit ka pa ba nandiyan
Sabi-sabi ng mga kaibigan ko Huwag mong pilitin ang ‘di para sa ‘yo Ngunit bakit hindi kita malimutan Sa ‘yo ba’y okey lang
[chorus] Habang tumatagal, lumalala, laging nagwawala Tumitindi, umiinit, sumasakit ang dibdib Kaya ako’y gumawa ng awiting ito na alay ko sa ‘yo At sana’y pakinggan mo
Huwag ka sanang magugulat sa akin ‘Di ako sanay sa ganitong suliranin Huwag kang matakot hindi ako manloloko Kung okey lang sa ‘yo
[repeat chorus]
Ngayong alam mo na, sana’y ‘di ka mainis At pasensya na kung ako ay makulit Pero kung gusto mo, ako na lang ang lalayo Kung okey lang sa ‘yo