Ez Mil
Página inicial > Rap > E > Ez Mil > Leon (Ka) (Romanizado)

Leon (Ka) (Romanizado)

Ez Mil


Pinoy ka, 'no? I see you fight
Leon ka? 'Pakita mo bangis mo!

(Yuh) Mapadelubyo o pagsubok, nagawa na tawanan
Dala bangis at tindi ng Pinoy sa aking larangan
Kahit karayom, nilusot, 'di niyo 'ko kayang harangan
Walang duda na nanuot, patuloy lang ang paglaban
Tinitingalaan, huh, we lions on a hunt
'Wag ka ngang epal d'yan, little bro, just to keep it blunt
At dahil kakaiba kumagat, lalagari lang paangat
Mga hari ng alamat, hold your heads up high
Tabi! Andito na ang mga leon

Dama ng mundo ang bangis mo
Bangis ng leon (Leon)
Ilabas mo ang bangis ng Pinoy
Talagang walang mintis, lahat pinapanis
Dama ng mundo ang bangis mo
Bangis ng leon (Leon)
Ikaw ang hari ng kuwento mo
Ang bangis mo!

(Yeah) Simula pa nu'ng pagkabata, huh, talaga nang palaban
Isang kahig, isang tuka, 'la tong inaatrasan
Mundo'y puno ng buwaya talangka at alakdan
Kaya sawang-sawa na 'ko, puro na lang hatakan
Tapos nanggagaling pa 'yung panghuhusga sa mga pa-mema
Eh, nu'ng bata, naparaket na para lang magkapera
Pangil sa bakal kahit isang dosenang kadena
Kagat pa rin sa pangarap

Mapakita lang sa buong mundo ang bangis mo
Bangis ng leon (Leon)
Ilabas mo ang bangis ng Pinoy
Talagang walang mintis, lahat pinapanis
Dama ng mundo ang bangis mo
Bangis ng leon (Leon)
Ikaw ang hari ng kuwento mo
Ang bangis mo!

Ang tanging puhunan ay aking dugo at pawis, wala nang iba
Tuloy ang hawak sa bandera kahit pa mag-isa
'La kong pake sa laki ng sugat o galos pa ba
Dahil mala-Heneral Luna, kahit butas-butas pa
Ay diretso pa rin ang tingin, nangangarap ng karangalan
Para sa bayan, kahit kadiliman, nananawagan
Sabi nila, hawakan mo ang iyong kapalaran
ay pati na talampakan
Tapakan lahat ng nagtatapang-tapangang nais na harangan

Nang madama ng mundo ang bangis mo
Bangis ng leon (Leon)
Ilabas mo ang tirada ng Pinoy
Na walang mintis, lahat pinapanis
Nadama ng mundo ang bangis mo
Bangis ng leon (Leon)
Ikaw ang hari ng kuwento mo
Napakabangis mo!

Ipadama sa mundo
Kung ga'no ka kabangis
Ilabas mo ang bangis ng Pinoy
May kagat, may bangis, lahat pinapanis
Dama ng mundo, ang bangis mo
Bangis ng leon, oh, yeah, yeah (Woah)
Ikaw ang hari ng kuwento mo
Ang bangis mo!

Bangis mo!
Bangis mo!
Bangis mo!
Listen, ikaw hari ng kuwento mo

Encontrou algum erro? Envie uma correção >

Compartilhe
esta música

Ouça estações relacionadas a Ez Mil no Vagalume.FM

Mais tocadas de Ez Mil

ESTAÇÕES