Sa pamilihan ng lipunan, sarisarin'g paninda May kanikaniyang puhunan: pera, utak at ganda Ang ilan ay may pangalan, ang iba ay laway lang May nagbabanalbanalan at mga manlilinlang
May namumuhunang pawis at hubad na katawan Kahit pagod nila'y labis, sila'y hanggang doon na lang Mas maigi ang may bahay at lupang paupahan Kahit di maghanapbuhay, laging may laman ang tiyan
Ang negosyong magaling ay magbenta ng patay Ngayo'y napakadaling humagilap ng bangkay Dumating na sa sukdulan, buhay na'ng binubuwis Inuutang sa pangalan ng ganansya't interes
Kung ang dulot ng sistema'y malaganap na lagim Sa paggamit ng puhuna'y huwag nawa tayong sakim Sa damdamin ng abang kagaya kong isang mortal Ang dugo'y mas matimbang kaysa kapital
Napuna kong di maaring magkameron ang wala Kung kaya ko minangyaring mangalakal ng bahagya Upang matiyak ang tagumpay, naglakasloob akong Sa maginoong sanay kumunsulta't magtanong
Nais ko sanang matutuna't nang gayo'y magaya ko Paano kang namumuhunan, ba't ang yamanyaman mo At ang agilang anghel ay nagladlad na ng anyo Ang wika ni Tiyo Samuel: Ang puhunan ko'y kayo!