Ako'y tutula mahaba Ako'y umupo na po Tapos na nga hugasan Ang mga kamay ng mga makata Lahat na yata tayo ay makata Lahat na yata tayo ay makata Gusto ko sanang maniwala
Ikaw nanaman, diba kalalabas mo lang? Kung magsulat ka ng kanta para bang papasko lang Tila lupang di tigang sa letra mong bilang Walang tigil sa pag-agos pinapadulas mo lang Di naman super lolo pero bakit sumasabog? Ang lahat ng kuha mo kahit di makapal ang apog Pinag manhik manaog, ibang klaseng tagalog Parang altapresyon sa kumakapal na batok
Tapos na ang biruan, walang pala-palabok Wag kang gumamit ng baldeng butas sa pag-salok Magpahagod pagnapagod paghumagok magpadagok Laging handa sa pagsusulit kahit walang pasok Ang bata na inaral ang aba ka da E ga ha I la ma na nga o pa ra sa ta u wa ya Kung di makasabay sa aking makakaya
Bumaba ka sa aking pasada, mama para Ibalik ang bayad, sumayad ang speaker sa lakas Ng tunog, lumubog ang mga mapangahas Na humahamig kahit na hangin lang ang kinahig Nag-uunahan sa pagdampot ng putik at ipahid Ako ang magaling palaging sinisigaw Sa loob ng kaing na may kalburo ang manggang hilaw O kandilang tunaw, o itak na bingaw Pagpinagsama natin ang dalawa, oo ikaw!
Matagal-tagal narin po akong nagtatampisaw Sa tubig na kung minsan ay parang kanal sa hangin Kaya may oras na parang gusto kong bumitaw Ngunit salamat sa hindi nagdadala sa akin Pero aaminin ko, nakakapanghinayang Lisanin ang trabaho na kailangan mong tibayan Ang mukha mo, ito'y bago, kabisado na tula to
Sa mukha mo itaya mo patipato ano kamo? Bawat cdng nabenta mo wala pang limampiso Ang babalik sayo teka wala kang benepisyo Pero ayos lang kasi ito ang yong pinagdasal Di man kasing bango ng lahat ng nahahalal
Mga nakakadinig, sila ang sumatutal Pagkakataong humukay ng panibagong bukal Na humuhubog sa isip ng mga batang may pangarap Kahit anong mangyari wag kang bibitaw sa yakap Ako'y tutula mahaba Ako'y umupo na po Tapos na nga hugasan Ang mga kamay ng mga makata Lahat na yata tayo ay makata Lahat na yata tayo ay makata Lahat na yata tayo ay makata