Mula nang makilala ka di na ako nakawala Saan saan ng dumaan hindi pa rin kita natatakasan Kahit saan ang magpunta parang ikaw ang nakikita At kung ako'y mapatingin bigla na lang naglalaho Na parang hangin Lagi kitang daladala Kahit nasan ka ngayon sa bawat pagkakataon Iniisip pa rin kita Kahit nasaan ka pa lagi kitang daladala
Ikaw ang lagi kong kasama kahit saan pumunta Kahit saan makarating kung nandun ako narun ka Sa may quiapo sa lawton papunta ng luneta Naglalakad sa roxas boulevard sa may kuneta Astro dome dire-diretso sa may baclaran Sa simbahan tuhod ang gamit-gamit sa nilakaran Na sahig pagkatapos sumakay ng bus na medyo Siksikan at mainit pamaypay lang ang remedyo
Mama para sa tabi bababa na po kami Bumili ng malamig kasi nauhaw na kami Habang kami nag-aabang sa ilalim ng alabang Ang tanghalian ay manggang sinawsaw lang sa alamang Dinaanan ang sucat pagkatapos bicutan Biglang may sumigaw na babae sabi nadukutan Kahit anong gawin nyo basta okay lang ako Kasi kasama ko lagi ang pinakamamahal ko Lagi kitang daladala Kahit nasan ka ngayon sa bawat pagkakataon Iniisip pa rin kita Kahit nasaan ka pa lagi kitang daladala
Nang sumapit ang gabi dumaan sa may ayala Gusto mo maghapunan? Sige mayamaya na Ituro mo lang sa akin kung meron ka nang napili Sa greenbelt o glorietta gamitin mo ang 'yong daliri Bakit wala kang kibo galit ka pa rin ba sa akin? May liham ako sa'yo eto subukan mong basahin Sa loob ng mrt kasi ang traffic sa edsa Makakaupo ka rin pagdating sa araneta
Bumaba sa quezon ave. , uy may shooting sa flyover Paborito mong artista na palaging nasa cover Wala ka bang makita kasi ang daming tao Sige halika dito may naisip akong plano Kumapit ka lang sa akin wag na wag kang bibitaw Teka medyo mataas wag na wag kang sisigaw Kahit anong gawing nyo basta okay lang ako Kasi kasama ko dito ang pinakamamahal ko Lagi kitang daladala Kahit nasan ka ngayon sa bawat pagkakataon Iniisip pa rin kita Kahit nasaan ka pa lagi kitang daladala
Nakita na nila ako kasalan mo kasi Ako'y pinagpalit nahuli kita nung isang gabi Napa-aga ang pagdating at sa butas ng dingding Aking nalaman na ang iyong budhi ay maitim Parang sugat na may asin mahal bakit mo naatim Ako'y niloko, tinoyo, tinoyo naging malagim Wag mo nang isipin yon dahil di na siya babalik Di na rin gigising yon kahit pa sa isang halik Di na tayo maglalayo hindi na maghihiwalay
Dahil kalahati ng aking buhay ay nasa yong kamay Patawarin mo ako kung sinaktan man kita Pero matapos ang lahat ay hinagkan naman kita Halika sumama ka sa'kin sabay tayong tatalon Hindi ka ba naiinitan sa loob ng pantalon Di ka sa'kin mawawala kahit na sinong pumusta Kasama ng isang singsing ikaw ay nasa aking bulsa kaya Lagi kitang daladala Kahit nasan ka ngayon sa bawat pagkakataon Iniisip pa rin kita Kahit nasaan ka pa lagi kitang daladala