Isang gabi Pa lamang tayong nagkakasama Isang gabi Nguni't para bang kay rami nang buwan Ang nakalipas
Isang halik Mo lamang sa mga labi kong sabik Isang halik Sapat na para mahuli ko ang 'yong kiliti
Sa pag-uwi hindi pa rin malimot Ang 'yong mga ngiti Hindi na makatulog Parang kalul'wang 'di matahimik Naghihintay ng bukas
Dahil sa isang gabi kapiling ka Ako ngayo'y naiinip sa 'ting muling pagkikita Dahil sa isang gabi kapiling ka Ako ngayo'y naiinip sa 'ting muling pagkikita
Isang mukha Na buhay sa aking alaala Isang paglimot na 'di ko magagawa Isang kahapon Na para bang isang panaginip Isang kahapon Sana'y maulit muli