Kanina ay nahuli ang aking sarili nakangiti na naman at nagkukubli ng tunay na kailanman ay 'di ko maipagsasabi na naman, na naman
at pagdating sa 'king tahanan ay hindi ko na naman mahanap aking susi saang lupalop ko ba 'to naitabi? pasintabi na naman, na naman
nalilito, nahihilo na sa inyo nasaan na nga ba ang sarili kong pagkatao?
sino ba'ng may tenga sa mga bulong ko? kahit pa 'ko'y sumigaw ay malabo, oh tao po, pakinggan niyo naman ako bakit 'di niyo subukang buksan ang bukas namang pinto? nang tuluyan nang makita niyo tunay na ako 'di nagtatago sa likod ng bumubulag na ilaw na 'to
napapamuni-muni sa kawalan ng huni 'di mapapirmi aking sarili ilaw nga ang dahilan kung ako ngayo'y nasa'n man ngunit kailangan kong magpahinga patayin ang ilaw pansamantala, oh
bakit gan'to? inakalang magbabago kabayaran ba nito'y sarili ko'y maglalaho?
sino ba'ng may tenga sa mga bulong ko? kahit pa 'ko'y sumigaw ay malabo, oh tao po, pakinggan niyo naman ako bakit 'di niyo subukang buksan ang bukas namang pinto? nang tuluyan nang makita niyo tunay na ako 'di nagtatago sa likod ng bumubulag na ilaw na 'to
heto na naman ako, patungo sa presinto mag-iisip ng kung ano-ano kailan ba'ng laya ko dito? heto na naman ako p'wede bang ipagpaliban muna ng isang linggo? p'wede muna bang hinto?
papalapit na, ako'y papalapit na bigat sa yabag ng bawat hakbang nitong paa patungo sa lugar kung sa'n ayaw kong pumunta wala na bang iba, wala na ba? patuloy ang aking paghahanap sa pag-asa ngunit walang saysay pa ang pagmamakaawa ano pa ba ang kabuluhan nitong aking paghinga? ah
sino? sino? sino?
sino ba'ng may tenga sa mga bulong ko? kahit pa 'ko sumigaw ay malabo, malabo, malabo